Rapper na si 21 Savage, tinulungan ni Jay-Z ikinuha ng abugado matapos arestuhin ng immigration agents sa U.S.

Kumuha ng abugado si ang rapper at mister ni Beyonce na si Jay-Z para umasiste sa rapper na si 21 Savage.

Ito ay matapos madakip si 21 Savage na ang totoong pangalan ay Sha Yaa Bin Abraham – Joseph noong nakaraang linggo sa Amerika dahil sa ilegal na pananatili doon.

Ayon sa Roc Nation, ang entertainment company ni Jay-Z nag-hire sila ng abogado na tutulong kay 21 Savage.

Noong lumabas ang balita ng pagdakip kay 21 Savage, nag-post ng suporta si Jay-Z sa kapwa rapper.

Ani Jay-Z apat na taon nang nakabinbin ang petition ni 21 Savage para sa kaniyang visa.

Dapat din aniyang agad mapalaya si 21 Savage at makasama ang kaniyang mga anak.

Read more...