Mga kumpanya ng langis, may rollback sa presyo mula bukas

A gasoline attendant works at a gasoline station in Quezon City, suburban Manila on August 2, 2011. The Philippines plans to auction off areas of the South China Sea for oil exploration, despite worsening territorial disputes with China over the area, an official said August 2. AFP PHOTO/ JAY DIRECTO
AFP PHOTO/ JAY DIRECTO

Epektibo bukas, magpapatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Bagaman halos magkakasunod na nag-anunsyo ng kanilang rollback ang tinaguriang ‘big 3’ may pagkakaiba naman sa halaga ng ipatutupad nilang bawas-presyo.

Mula alas 12:01 ng madaling araw bukas, may rollback ang kumpanyang Petron na P0.75/li sa gas, P0.50/li sa diesel, at P0.80/li sa kerosene.

Parehong oras din ang ipatutupad na rollback ng kumpanyang Chevron na P0.60/li sa gas, P0.50/li sa diesel, at P0.75/li sa kerosene.

Kapansin-pansing mas mababa ng 15 centavos ang rollback ng Chevron sa kanilang produktong gasolina.

Ang Shell naman ay epektibo alas 6:00 ng umaga bukas ang rollback na P0.65/li sa gas, P0.45/li sa diesel, at P0.80/li sa kerosene.

Mas mababa naman ng 5 hanggang 10 centavos ang rollback ng Shell kung ikukkumpara sa Petron.

Inaasahang sunod na mag-aanunsyo ng kanilang rollback ang iba pang mga kumpanya ng langis.

Read more...