Lalaki patay sa buy bust operation sa Bulacan

Patay ang isang lalaki sa buy bust operation na nauwi sa engkwentro sa Parang, San Ildefonso, Bulacan bandang alas-2:00 ng madaling araw ng Huwebes.

Sa impormasyon mula sa San Ildefonso Police, kinilala ang suspek na si Nasciso Calison na kabilang sa drug watch list ng lugar.

Nagkasa ng operasyon ang pulisya laban kay Narciso at sa kasamahan nito na parehong nakasakay sa motorsiklo nang isinasagawa ang transaksyon.

Gayunman, nang makahalatang pulis ang kanilang transaksyon ay agad na tumakas ang mga suspek.

Hinabol sila ng mga pulis at dito na nagpaputok ng baril si Calison dahilan para gumanti ng putok ang mga operatiba at kanyang ikinasawi.

Nakatakas ang kasamahan ng napatay na suspek na patuloy na pinaghahanap sa ngayon.

Nakuha mula sa crime scene ang kalibre .39 ng baril at dalawang basyo ng bala.

Read more...