Lalaki arestado sa pananaksak sa kapwa tindero sa Malabon

NPD-Malabon photo

Arestado ang isang lalaki matapos saksakin ang kapwa tindero ng isda sa Malabon City Miyerkules ng gabi.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakilala ang suspek na si Feliper Rarogal, residente ng Montalban, Rizal.

Ang krimen ay nag-ugat umano sa selos kung saan kinompronta ni Rarogal ang biktimang si Baltazar Amoradie.

Ang komprontasyon ay nauwi sa suntukan ngunit mayroon palang kutsilyo ang suspek at dito na niya pinagsasaksak ang biktima.

Nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Amoradie at isinugod agad ito sa Tondo Medical Center.

Nakuha mula sa kanya ang kutsilyong ginamit sa pananaksak.

Sa ngayon ay hawak ng pulisya ang suspek.

Read more...