DOTR, may libreng sakay sa mga pasahero ng PITX

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay para mga Cavite commuters na gumagamit ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Layon nitong mabigyan ng alternatibong masasakyan ang mga gumagamit ng landport.

Ang libreng sakay ay handog ng DOTr sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard (PCG), Metro Manila Development Authority (MMDA) at Junior Chamber International Senate Philippines (JCISP).

Ang free shuttle service ng MMDA at PCG mula MOA patungong PITX ay tuwing alas-7:00 hanggang alas-11:00 ng umaga at alas-4:00 ng hapon hanggang alas-9:30 ng gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes.

Tuloy naman ang dry run ng libreng shuttle ng JCISP para sa mga rutang PITX-Lawton at PITX-Baclaran mula alas-6:00 hanggang alas-11:00 ng umaga at alas-3:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.

Pormal na ilulunsad ang libreng shuttle ng JCISP sa Februuary 14.

Read more...