P3.4 milyon halaga ng shabu, nakumpiska sa buy bust sa Quezon City

Screenshot of NCRPO RDEU video

Nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang higit sa P3.4 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Quezon City Huwebes ng madaling araw.

Ikinasa ng mga operatiba ang operasyon sa isang motel sa Brgy. Doña Imelda na nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na tulak ng droga.

Kinilala ang mga suspek na sina Ruby Balani, Joshua Salazar, Mary Jane Duran, at Mineya Amorine.

Matagal nang sumasailalim ang mga suspek sa surveillance sa pamamagitan ng isang civilian asset.

Nakuha mula sa mga ito ang isang malaking plastic pack na naglalaman ng kalahating kilong shabu at apat na plastic sachet na may lamang 20 grams ng shabu.

Ang naturang mga droga ay mayroong street value na aabot sa P3,455,000.

Mahaharap ngayon ang mga suspek sa patong-patong na kaso ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...