UPDATE: Siyam na magkakamag-anak patay sa sunog sa Pasay

Radyo Inquirer Photo: Cris Osera

Siyam ang kumpirmadong nasawi sa sunog sa isang residential area sa Pasay City Huwebes ng umaga.

Radyo Inquirer Photo: Cris Osera

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), natagpuan ang bangkay ng siyam na biktima sa loob ng isang bahay sa 336 Almador Street sa Brgy. 183 Maricaban, Pasay.

Kinilala ang mga namatay na sina Mark Joseph Calma, 23 anyos; John Clark Calma,  17 anyos; Andrew James Calma, 11 anyos at ama nilang si Michael Calma. Ang mga ito ay nasa taas ng bahay nang maganap ang sunog. Nakaligtas naman ang ina ng pamilya Calma.

Radyo Inquirer Photo: Cris Osera

Patay din ang lahat ng miyembro ng pamilya na nakatira sa ibabang bahagi ng bahay na nakilalang sina Jhulea Janet Guablas, 16 anyos, Nichole Guablas, 9 anyos; Andrei James Guablas, 2 anyos; Julius Guablas at Rheadela Guablas.

Sinasabing hindi agad nakalabas ng bahay ang mga biktima.

Sumiklab ang sunog pasado alas 2:00 ng madaling araw.

Umabot lamang sa unang alarma ang sunog na naapula dakong 2:14 ng umaga.

Read more...