Mag-asawang Pinoy, kasama sa nasawi sa sunog sa France

Contributed photo

Kumpirmadong kasama ang mag-asawang Pilipino sa mga namatay sa sunog sa apartment sa 16th district ng southwest Paris, France.

Kinilala ng mga kaanak ang mag-asawang sina Francisco at Cresencia Abalos mula sa Pangasinan.

Ang sunog, na itinuring ng mga otoridad na arson, ay ikinamatay ng 10 katao at ikinasugat ng maraming iba pa.

Ang mag-asawang Abalos ay nakatira sa 8th floor ng nasunog na apartment.

Ang isa pang Pinoy na si Norma Batara at pamangkin nitong si Sherilyn Batag na nakatira sa 3rd floor ay nakaligtas sa sunog.

Isang 40 anyos na babae na may kasaysayan ng problema sa pag-iisip ang kinuwestyon ng mga otoridad.

Read more...