Sa kanyang tweet ay sinabi ni Locsin na dapat kumalma ang publiko.
Ang pahayag ng kalihim ay kaugnay ng bagong visa sa pagpasok ng mga Chinese sa Pilipinas.
Ayon kay Locsin, ang bagong “visas upon arrival” ay nasa ilalim ng Bureau of Immigration at hindi sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Hindi anya inaagawan at nawawalan ng trabaho ang mga manggagawang Pinoy.
Paliwanag ng opisyal, sa pamamagitan ng naturang bagong visa, ang mga Chinese nationals ay nasa ilalim ng online gaming sa Mandarin o ang pagsusugal gamit ang Chinese characteristics na hindi para sa mga Pilipino.
Inihalintulad pa ni Locsin ang nasabing mga dayuhan na parang mga mahihirap na Pilipino sa ibang bansa.