Nanawagan si US President Donald Trump na isantabi na ang “revenge, resistance and retribution” at tapusin na ang “partisan investigation” kasabay ng kanyang State of the Union address.
Pero nagmatigas pa rin si Trump sa kanyang polisiya sa immigration na ikinagalit ng Democrats at nagresulta sa government shutdown.
Inulit ng US President ang pagnanais ng border wall at pagturing sa illegal immigration na banta sa kaligtasan ng mg Amerikano at seguridad ng ekonomiya ng bansa.
Walang inilatag si Trump na hakbang para makipag-ugnayan sa Democrats na target namang harangan ang agenda ng kanyang administrasyon.
Ang State of the Union address ni Trump ay susundan ng papalapit na February 15 deadline para pondohan ang pamahalaan at maiwasan ang isa pang shutdown.
Dinipensahan naman nito ang panawagan na border na anyay siya ang magtatayo.