Fecal coliform bateria level sa Manila Bay, bumaba

Nagkaroon ng malaking pagbaba sa lebel ng fecal coliform bacteria sa Manila Bay ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa isang news forum, sinabi ni DENR Sec. Roy Cimatu na malaki ang naitulong ng pagsasara ng Manila Zoo sa pagbaba ng lebel ng fecal coliform sa dagat.

Simula nang umarangkada ang rehabilitasyon sa Manila Bay ang fecal coliform levels sa mga sumusunod na lugar ay bumaba:

Pero iginiit ng DENR na ang mga numerong ito ay sobrang layo pa rin sa normal level na 100 mpn lamang.

Patuloy na nagbababala ang gobyerno sa publiko na hindi pa ligtas ang paliligo sa Manila Bay dahil marumi pa rin ang tubig nito.

Mayroon nang malaking signage na inilagay para igiit sa mga tao na bawal pang maligo sa dagat.

Samantala, plano ng DENR na maglagay ng pipe mula Padre Faura hanggang Manila Yacht Club na magdadala ng maruming tubig sa isang gagawing sewerage facility.

Sa naturang pasilidad ay lilinisin ang tubig saka pa lamang papaagusin sa Manila Bay.

Read more...