Inihayag ni Environment Secretary Roy Cimatu na hindi mauuwi sa land reclamation ang isinasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay.
Sa isang news forum, ipinaliwanag ni Cimatu na ipinapatupad lamang ng DENR ang inisyu na mandamus ng Korte Suprema para linisin, ayusin at ma-preserve ang Manila Bay.
Sinabi kasi ng ilang mambabatas sa Makabayan bloc na ang inter-agency campaign ay magreresulta sa pagkuha ng 32,000 na ektaryang coastal area para sa 43 na infrastructure projects ng gobyerno.
Noong nakaraang buwan, pinirmahan ang memorandum of agreement ng mga lokal na pamahalaan ng Maynila at Pasay kasama ang Manila Goldcoast Development Corp. (MGDC), SM Prime Holdings Inc. at Pasay Harbor City consortium para sa apat na reclamation project sa Manila Bay.
Ngunit ani Cimatu, hindi pa inaaprubahan ang anumang reclamation project sa ngayon.
Anuman aniyang reclamation project ay kinakailangang sumunod sa environmental laws tulad ng Clean Air Act, Clean Water Act, at Solid Waste Management Act.