Duterte dumalaw sa burol ng asawa ni Labor Usec. Jing Paras

Malacañang photo

Dumalaw si Pangulong Rodrigo duterte sa burol ng asawa ni Labor Usec. Jacinto Paras sa Heritage Park sa Taguig City kagabi.

Base sa abiso ng Malacañang, kasama ng pangulo na nagtungo sa burol ni Ginang Olivia Paras si dating Special Assistant to the President  Christopher “Bong” Go.

Nasa burol din kagabi si Senador Richard Gordon.

Sinabi ni Paras na alas dose ng hatinggabi nang dumating ang pangulo mula sa Cagayan De Oro City matapos naman ang ginawang pagbisita sa burol ni Solona Canoy, asawa ni dating Cagayan De Oro City Mayor Reuben Canoy.

Ayon kay Paras, dalawang oras na nanatili ang pangulo sa burol.

Pumanaw si Ginang Paras dahil sa diabetes at sakit sa puso.

Sinabi ng opisyal na kinausap rin ng pangulo ang kanyang mga anak na maging matatag sa pagsubok at pagbutihin ang kanilang pag-aaral.

Read more...