Pagkuha ng working permit para sa mga dayuhan mas hinigpitan ng BI

INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ

Maghihigpit na ang Bureau of Immigration (BI) sa pagpapatupad ng kanilang regulasyon sa paglalabas ng special working permits (SWP) at provisional work permits (PWP) sa mga dayuhang nais magtrabaho sa Pilipinas.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng B-I na daragdagan ang requirements o mga dokumentong kailangang ipasa ng mga dayuhan na magtatrabaho sa Pilipinas bilang construction worker, cashier, janitor, karpintero at iba pa.

Hindi rin aaprubahan ng Professional Regulation Commission ang mga dayuhan hangga’t hindi pa aprubado sa ahensya.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, layon nitong matiyak na ang work permits ay mailalabas sa mga dayuhan na ang trabaho ay hindi magagawa ng mga Pilipino.

Ginawa ang hakbang ng B-I matapos tumaas ang bilang ng mga dayuhang nagtatrabaho sa bansa.

Read more...