Mayroong tinatayang 230,000 na informal settlers sa buong Metro Manila.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, kasalukuyan silang nasa proseso ng pagsasagawa ng census sa mga informal setllers.
At base sa census, sa naturang bilang ng mga informal settler, ay nasa 30,000 ang naninirahan sa waterline ng Manila Bay.
Ayon kay Cimatu, ang lahat mga informal settler ay target na mai-relocate ng pamahalaan bilang bahagi rin ng rehabilitasyon sa Manila Bay.
Gayunman, sa pagtaya ng DENR, ang maximum na bilang ng maire-relocate ay 10,000 kada taon,
Mangangahulugan aniya ito na aabutin ng dalawang dekada para mairelocate ang lahat ng informal settlers.
Magugunitang maraming grupo ang nagpahayag ng pagkabahala sa rehabilitasyon sa Manila Bay dahil sa epekto nito sa mga residente sa palibot ng lawa.