Sa Vietnam gaganapin ang ikalawang summit sa pagitan nina US President Donald Trump at ni North Korean leader Kim Jong Un.
Inanunsyo ito ni Trump sa kaniyang State of the Union Address.
Ayon kay Trump, sa February 27 at 28 magaganap ang pulong nila ni Kim sa Vietnam.
Bukas, nakatakdang makipagkita si U.S. negotiator with North Korea Stephen Biegun sa kaniyang North Korean counterpart sa Pyongyang para talakayin ang ikalawang summit ng dalawang lider.
Sa kasagsagan naman ng speech sinabi ni Trump na marahil, kung hindi siya nahalal na pangulo ay malamang nagkaroon na ng major war sa pagitan ng North Korea at US.
Unang naganap ang pagpupulong ng dalawang lider sa Singapore noong nakaraang taon.
MOST READ
LATEST STORIES