Pangulong Duterte, bumisita sa burol ng asawa ng dating Mayor ng Cagayan De Oro City

Photo from Former SAP Bong Go

Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte Martes ng gabi sa burol ng asawa ni dating Cagayan De Oro City Mayor Reuben Canoy.

Sa larawan na ibinahagi ng Malakanyang, makikitang nakikipag-usap si Pangulong Duterte kay Canoy.

Ang asawa ni Canoy na si Solona ay namatay noong Febuary 3.

Si Canoy ay isang abugado at miyembro ng Palace Consultive Commitee na nagsulong ng panukalang Pederelismo.

Hindi inilabas ng Malacañang ang schedule ng pangulo noong araw ng Martes, na nagkataong special non-working holiday dahil sa paggunita ng Chinese New Year.

Read more...