Lugar sa Belgium na pinaniniwalaang pugad ng mga terorista, sinalakay, 16 ang naaresto

Brussels
FILE PHOTO

Sa patuloy na pagpapatupad ng “maximum terror security alert” ng Belgian authorities, sunod-sunod ang pagsalakay ang ginawa sa Molenbeek, Belgium.

Sa panibagong raid, labing-anim na katao ang inaresto matapos suyurin ang mga bahay at apartments na pinaniniwalaang pinagtataguan ng mga terorista partikular na si Salah Abdeslam na suspect sa Paris attacks.

Gayunman, bigo ang mga otoridad sa Belgium na maaresto si Abdeslam sa nasabing pagsalakay.

Sa 16 na dinakip, isa sa mga ito ang nasugatan ayon kay federal prosecutor spokesman Eric Van Der Sypt.

Nagpatupad ng lockdown sa capital ng Belgium dahil sa banta ng Paris-style mass attack.

Ang mga lugar na madalas pinupuntahan ng publiko ay ipinasara gaya ng mga shopping streets, malls, at mga public transport.

Read more...