Lalaki patay matapos masabugan ng e-cigarette sa mukha sa Texas

Isang lalaki sa North Texas ang namatay dahil sa sumabog na e-cigarette sa kaniyang mukha.

Sa report ng Tarrant County Medical Examiner’s Office, ang 24-anyos si Wiliam Brown ng Fort Worth ay nasawi dalawang araw matapos masabugan ng ginamit na vaporizer pen sa isang e-cigarette shop malapit sa Keller.

Dagdag pa ng medical examiner, kumalat ang shrapnel sa utak ng biktima na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Isang kahalintulad na insidente din umano ang naganap sa Florida noong Mayo, na ikinamatay din ng isa pang biktima.

Isang 38-anyos kinilalang si Tallmadge D’Elia ng St. Petersburg ang namatay sa parehong insidente at nagtamo din ng 80 percent na pagkasunog sa kaniyang katawan.

Pawang aksidente umano ang sanhi ng kanilang pagkamatay.

Read more...