Magnitude 5.0 na lindol tumama sa Sarangani, Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang bayan ng Sarangani sa lalawigan ng Davao Occidental.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 447 kilometers Southeast ng Sarangani.

Naganap ang lindol alas 7:17 ng umaga ng Miyerkules, Feb. 6.

May lalim na 61 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang intensities bunsod ng nasabing pagyanig.

Read more...