Panukalang 2019 national budget aaprubahan na ng Bicam ngayong araw

Tiniyak ni House Committee on Appropriations Chairman Rolando Andaya Jr. na handa na upang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang P3.757 trillion na 2019 national budget.

Ayon kay Andaya, pinuno ng House contingent sa bicameral conference commitee para sa 2019 budget na aaprubahan nila ngayong araw ang panukalang pondo upang ma-ratify ng Kongreso sa araw ng Biyernes bago ang session break.

Dahil dito, pinawi ng mambabatas ang mga usap-usapan na gagasta ang bansa sa ilalim ng re-enacted budget.

Samantala, inabisuhan na ng House Secretary-General ang mga kongresista na hanggang sa araw ng Biyernes ang kanilang sesyon.

Sa mensahe ni House acting secgen Roberto Maling, sinabi nito na magkakaroon ng sesyon ang Kamara hanggang sa Biyernes upang ratipikahan ang aaprubahang 2019 national budget ng bicameral conference committee.

Read more...