Ayon kay OPAPP Secretary Carlito Galvez, isusumite niya sa loob ng buwang ito ang naturang listahan kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman, tumanggi muna si Galvez na tukuyin ang mga magiging miyembro ng BTA.
Ayon kay Galvez, sa sandaling aprubahan ng pangulo ang listahan, agad nang panunumpain sa pwesto ang mga ito.
Ang mabubuong Bangsamoro Transition Authority ang senyales na uusad na ang pagtatatag ng Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao para sa ganap na pagpapatupad ng Bangsamoro Organic Law.
Samantala, hahayaan naman ng pangulo ang mga residente sa Lanao del Norte at North Cotabato na magdesisyon kung nais ng mga ito na mapabilang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, igagalang ng pangulo kung anuman ang magiging resulta ng plebisitio ngayong araw sa BOL sa Lanao Del Norte at North Cotabato.