Opisyal ng Sangguniang Bayan sa North Cotabato patay sa pamamaril

Patay ang kalihim sa Sangguniang Bayan sa President Roxas, north Cotabato matapos tambangan ng hindi nakilalang suspek.

Nanonood ng TV sa loob ng kaniyang bahay si Robert Herbilla, 43 anyos nang dumating ang apat na lalaki sakay ng dalawang motorsiklo.

Isa sa mga suspek ang pumasok sa bahay at saka pinagbabaril ang biktima.

Ayon kay Chief Insp. Rolly Oranza, hepe ng President Roxas police, si Herbilla ay naaresto na noong Disyembre 2018 dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Dahil dito, isa ang illegal drugs sa tinitignang anggulo sa pananambang.

Read more...