Naipadalang mensahe sa FB messenger pwede nang burahin

Inquirer file photo

May bagong feature sa Facebook Messenger.

Sa ilalim ng bagong feature, ang Messenger users ay mayroong 10-minuto matapos maipadala ang mensahe para ito ay i-undo.

Sa sandaling magawa ang pag-undo ng mensahe, may maiiwang note na magsasabing ang mensahe ay inalis.

Ginawa ito ng Facebook dahil may mga pagkakataon na maling naipapadala ang mensahe sa hindi tamang group chat o indibidwal, gayundin ang maling pag-type ng mensahe.

Dati-rati, bagaman nade-delete ang mensahe sa messengers, nabubura lamang ito para sa nagpadala subalit nababasa pa rin ng pinadalhan.

Sa bagong dagdag na feature mayroon ng option na “Remove for Everyone”.

Read more...