Ayon kay Philippine National Police (PNP) Police Security and Protection Group Director Chief Supt. Filmore Escobal, nakatanggap na sila ng 186 applications para sa police escorts.
Sa bilang na ito, 94 ay mula anya sa mga opisyal ng gobyerno habang 92 ay mula naman sa mga pribadong indibidwal.
Dalawampu’t siyam na aplikasyon pa lang ang inaprubahan ng Comelec kung saan 15 ay opisyal ng gobyerno at 14 ay pribadong indibidwal.
Samantala, sinabi ni Escobal na marami pang hahabol para humiling ng police escorts lalo na kapag malapit na ang campaign period dahil mag-iikot ang mga kandidato.
Ang campaign period para sa senatorial at party-list candidates ay magsisimula na sa February 12 habang ang tatakbo sa local positions ay sa March 29.