Paglalaro ni Ryusei Koga sa Muntinlupa Cagers, pinagtibay ng MPBL

Contributed Photo

Nagdesisyon ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Association Inc. na ang Muntinlupa Cagers ang may legal na kontrata sa player na si Ryusei Koga.

Sa Secretary’s Certificate na pirmado ni MPBL Corporate Secretary Atty. Ildebrando D. Viernesto, nakasaad ang resoluyon na nagbibigay halaga at pagkilala sa umiiral na kontrata sa pagitan ni Koga at ng Muntinlupa Cagers.

Kinilala rin ng MPBL ang nais ni Koga na maglaro ng basketball at kumita kaya pinayagan ito ng liga na maglaro para sa Muntinlupa Cagers.

Iginiit ni Viernesto na ang resolusyong ng MPBL ay valid at binding.

Si Koga ay dating player ng Parañaque at nang maging free agent at nagkaroon na ng kontrata sa Muntinlupa Cagers.

Samantala, idinulog ng koponan ang isyu kay Senator Manny Pacquiao partikular ang umanoy pagbasura o pag-delay ni  MPBL Commissioner Kenneth Duremdes sa kanilang apela.

Ayon kay Muntinlupa team owner Lito Alvarez, si Koga ay dapat naglaro sa Muntinlupa Cagers noong January 3, 2019 kontra sa Pasay Voyagers.

Pero bago ang laro ay nagsabi si Duremdes na hindi pwedeng maglaro si Koga sa Muntinlupa Cagers dahil naka-assign ito sa Pampanga Lanters.

Ito anila ay paglabag sa desisyon ni Senator Pacquiao na sa payagang maglaro para sa Muntinlupa Cagers si Koga.

Una rito ay tinanggihan ni Koga ang alok ng Pampanga Lanterns na maglaro ito sa koponan dahil valid at binding pa ang kontrata ni sa Muntinlupa Cagers.

Read more...