DOH: HPV vaccine, ligtas at epektibo

Taliwas sa umano’y banta sa kalusugan na kumakalat online, tiniyak ng Department of Health (DOH) sa publiko na ligtas at epektibo ang human papillomavirus (HPV) vaccine na panlaban sa cervical cancer.

Una nang umapela ang World Health Organization (WHO) na huwag paniwalaan ang walang basehang ulat ukol sa side effects ng HPV vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, kapag nagkaroon na ng naturang virus ay warts ang inisyal na epekto at ito ay pwedeng maging cancerous cell at nagiging cervical cancer.

Dumaan anya sa masusing pag-aaral ang pagbakuna ng HPV sa mga kababaihan pero ngayon ay lumawak na rin ito sa mga lalaki.

Giit ni Domingo, epektibo at ligtas ang HPV vaccines.

Naitala noong nakaraang taon ang bagong 7,190 kaso ng cervical cancer sa bansa.

Sunod sa breast cancer, ang cervical cancer ang pinaka-karaniwang uri ng cancer sa mga Pilipinas na ikinamamatay na ng mahigit 300,000 kada taon.

Read more...