Isang improvised explosive device (IED) ang sumabog sa kahabaan ng national Highway sa Barangay Tambunan sa Talayan, Maguindanao bago mag-ala una ng tanghali kanina.
Sinabi ni Captain Arvin Encinas, spokesperson of 6th Infantry Division, na kakagad silang nagpadala ng Army Explosive and Ordnance Division team sa lugar ng insidente.
Kinumpirma naman ni Colonel Wilbur Mamawag ng Philippine Army 603rd Brigade inilagay sa isang motorsiklo ang sumabog na IED.
Sa kabutihang palad ay walang nasaktan sa nasabing pagsabog na ayon sa opisyal ay posibleng may kaugnayan sa second round ng BOL plebiscite bukas.
Kaugnay sa panibagong pagsabog na ito ay nagdagdag pa ng tropa sa lalawigan ang mga opisyal ng militar at Philippine National Police.
Sa ngayon ay inaalam na rin ng otoridad kung anong grupo ang nasa likod ng nasabing pagsabog.