Pagbuo ng isang media koalisyon iminungkahi ng Malacañang

Inquirer file photo

Hinihimok ng Malacañang ang mga kagawad ng media na bumuo ng isang koalisyon para matugunan ang mga problemang kinakaharap ukol sa health care.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, sa pamamagitan ng isang koalisyon na bubuuin ng mga kagawad ng media, madaling maipararating ng mga mamamahayag ang kanilang concern o anumang problema kabilang na ang tulong medikal ang patungkol sa regularisasyon.

Isa rin aniya itong paraan para magamit sa pagbalangkas ng isang lehislatura na naglalayong itaguyod ang kapakanan ng mga mamamahayag sa bansa.

Halimbawa na dito ang mga usapin na may kinalaman sa pasuweldo at health care ng mga reporters.

Mungkahi pa nga ng PCOO chief, pwedeng tawaging ATIN ang media group na ang ibig sabihin ay Alliance for Truthful Information.

Read more...