Lacson pinayuhan hwag paki-alaman ang pangulo sa desisyon para sa 2019 budget

Inquirer file photo

Hinimok ng Malacañang si Sen. Ping Lacson na huwag munang pangunahan si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang veto power para tanggalin ang umano’y pork barrel fund na nakasingit sa P3.757 Trillion na 2019 national budget.

Ayon kay Executive Sec. Salvador Medialdea, mas makabubuting huwag munang i-preempt o pangunahan ang pangulo.

Hindi kasi aniya dapat na pangunahan ang pangulo sa kung ano ang gagawin sa pambansang pondo.

Sa Twitter post ni Lacson, sinabi nito na dapat na i-veto ng pangulo ang pork insertion sa budget.

Ayon kay Lacson, aabot sa P3.3 Billion ang pork barrel funds ang isiningit ng isa o higit pang senador para sa isang probinsya lamang.

Ang naturang insertion ay bahagi aniya ng P23 Billion na nakasingit na pondo sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa ngayon, nasa bicameral conference committee pa ang deliberasyon sa pambansang pondo.

Read more...