Malaysian PM, kumpyansang maipapasa sa oras ang BBL

 

Mula sa inquirer.net

Kumpyansa si Malaysian Prime Minister Najib Razak na maisasakatuparan na ang Bangsamoro Basic Law (BBL) bago pa man matapos ang termino ni Pangulong Benigno Aquino III sa June 2016.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, positibo si Najib na maituturing na magandang pamana ni Pangulong Aquino ang Bangsamoro peace process kapag bumaba na siya sa pwesto.

Ito ang paniniwalang ipinahayag ni Najib sa 27th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, kasabay ng kaniyang pasasalamat at pagkilala kina Aquino at outgoing Myanmar President Thein Sein matapos silang mamaalam sa mga kasapi ng asosasyon.

Sa kabila ito ng maraming balakid at hadlang sa pagpasa ng BBL katulad na lamang ng pamamaslang sa Special Action Force 44 sa Mamasapano na hinihinalang kagagawan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa kaniyang talumpati, ipinagmalaki ni Aquino kung paano nakita ng mga Pilipino at ng mga ASEAN countries ang pagbabagong isinulong niya simula pa nang siya ay manungkulan noong 2010.

Aniya, nawa’y malaki ang naiambag ng nasabing pagbabago sa pakikipagugnayan at pakikipagtulungan ng Pilipinas sa mga kasapi ng ASEAN kahit pa hindi naging ganoong kadali ang pagsusulong nito.

Read more...