Pangulong Duterte dumalaw sa puntod ng ina

Photo from Former SAP Bong Go
Dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duteretang puntod ng kanyang inang si Ginang Soledad Roa Duterte Lunes ng gabi sa Davao Public and Roman Catholic Cemetery.

Ginawa ng pangulo ang pagbisita sa puntod ng ina bilang paggunita sa kanyang ikapitong anibersaryo ng kamatayan.

Pumanaw ang ina ng pangulo noong 2012.

Alas 11:30 ng gabi dumating ang pangulo sa puntod ni Gng. Soledad.

Tumagal ng tatlumpong minuto ang pagdalaw ng pangulo sa sementeryo.

Bago ito ay binisita din muna ng Chief Executive ang mga pamilyang nasa area ng Patikul, Sulu na isa sa mga lugar kung saan, subject ito ng mas pinaigting na military operation kontra sa Abu Sayyaf.

Read more...