LOOK: Bahay ng mga nasunugan sa Cainta sisimulan na muling itayo

Photo from Cainta Mayor Kit Nieto

Masisimulan na ang muling pagtatayo ng mga nasunog na bahay sa Barangay Sto. Domingo sa Cainta, Rizal.

Simula kahapon hanggang ngayong araw, tuloy ang pagdating ng mga materyales na gagamitin para sa muling pagtatayo ng mga bahay ng tinatayang nasa 800 pamilya sa Gruar Subdivision sa San Buena Compound gaya ng bubong at mga kahoy.

Ayon kay Cainta Mayor Jon Keith Nieto, sagot ng lokal na pamahalaan ang mga materyales para muling makapagtayo ng mga bahay.

Ang mga residente aniyang apektado ay nasa isang covered court sa Brgy. Sto. Domingo kaya mahalang agad maibalik sa normal ang kanilang buhay.

Ayon kay Nieto, marami ang nagtatanong kung ano pa ang kanilang maitutulong sa mga nasunugan.

Sa kaniyang FB post, umapela si Nieto ng donasyon na inidoro upang ang mga bagong bawat na itatayo magkaroon ng disenteng palikuran.

Agad namang tumugon ang marami sa post ni Nieto at may mga nagpledge na ng 3, 5 10 pirasong inidoro, habang ang pamunuan ng Barangay San Isidro sa Cainta ay nag-pledge ng 100 piraso ng inidoro.

Read more...