Dahil walang pasok sa eskwela at trabaho ngayong araw marami ang namasyal sa Baywalk sa Roxas Boulevard sa Maynila.
Ang mga namasyal, kani-kaniyang latag ng mauupuan at kani-kaniyang dala ng pagkain na kanilang pinagsaluhan.
Sa kabila naman ng babala ng Department of Health (DOH) na hindi pa ligtas paliguan ang tubig sa Manila Bay ay marami pa rin ang nag-swimming.
Bitbit pa ng mga magulang ang kanilang maliliit na anak at hinayaang maligo.
Magugunitang sinabi DOH na maaring makakuha ng iba’t ibang uri ng sakit kung maliligo sa Manila Bay.
Dahil dito, pinayuhan ng DOH ang publiko na iwasan munang maligo sa Manila hangga’t hindi naidedeklarang ganap na ligtas at malinis ang tubig nito.
READ NEXT
LOOK: Election materials maagang ipinamahagi sa ilang barangay sa Tulunan, North Cotabato para sa BOL plebiscite
MOST READ
LATEST STORIES