Maagang naghanda sa mga bayan sa North Cotabato para sa idaraos na plebisito sa Bangsamoro Organic Law (BOL) bukas, Miyerkules, February 6.
Sa siyam na barangay sa bayan ng Tulunan, maagang ipinamahagi ang mga gagamiting election paraphernalia.
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC) inagahan ang pagdeliver sa mga gamit para sa plebisito dahil ang siyam na mga barangay ay masyadong malayo at mahirap ang transportasyon.
Sa munispiyo naman ng Midsyap, handa na ang 85 ballot boxes para sa 247 na clustered precincts.
Bukas na gagawin ang pamamahagi sa mga balot boxes at iba pang election paraphernalia.
Pero ngayong araw, sinuri na kung kumpleto ang alokasyon ng mga gamit sa lahat ng presinto.
MOST READ
LATEST STORIES