Inflation para sa unang buwan ng taon naitala sa 4.4%

Kuha ni Ricky Brozas

Bumagal ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo para sa buwan ng Enero 2019.

Ayon kay National Statistician Lisa Grace Bersales, 4.4 percent lang ang naitalang inflation sa unang buwan ng taon. Mas mababa kumpara sa 5.1 percent noong December 2018.

Ito rin ang pinakamabagal na inflation na naitala simula noong March 2018 kung kailan naitala ang 4.3 percent.

Pasok ang January inflation sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 4.3 percent hanggang 5.1 percent.

Read more...