Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ipinatawag sila kahapon ng pangulo sa Davao City kasama sina nila Labor Secretary Silvestre Bello, NHA Manager Jun Escalada para harapin ang asawa ng mga nasawing sundalo.
Ayon kay Lorenzana, binigyan ng pangulo ng tig-kalahating milyong piso ang asawa ng limang nasawing sundalo.
Galing aniya ang pondo sa Presidential Special Financial Assistance fund.
Nagbigay din aniya ang Armed Forces of the Philippines ng pinansyal na ayuda mula P280,000 hanggang P400,000 depende sa rango ng mga sundalo.
Bukod pa aniya ito sa buwanag pensyon na matatanggap ng mga biyuda.
Hinarap din ng pangulo ang asawa ng 32 sundalo na killed-in-action mula february 2016 hanggang 2019.
Mayroon kasi aniyang mga isyu ang asawa ng mga sundalo ukol sa mga benepisyo gaya ng housing, trabaho at iba pa.
Hinarap din ng pangulo ang asawa ng sundalong napatay sa engkwentro sa Patikul, Sulu noong February 2.