Sa pagdinig ng Kamara, hiniling ni Senior Deputy Minority Leader Lito Atienza, na ipasumite sa Maynilad at Manila Water ang record ng mga nakolekta sa mga consumers mula 1997 hanggang sa kasalukuyan.
Hinihingi din sa dalawang water concessionaires ang tala ng kanilang nagastos sa pagtatayo ng sewerage treatment facilities na inirereklamo ng kongresista na kinokolekta din sa mga consumers pero hindi naman nagagamit.
Bukod dito, ipinapasubpoena din kung magkano ang utang ng MWSS sa iba’t ibang foreign fundings.
Ipinapa-subpoena din ng komite ang mga opisyal ng MWSS, Maynilad at Manila Water para humarap sa susunod na pagdinig ng Manila Bay Rehabilitation.
Samantala, sinabi naman ni DENR Usec. Benny Antiporda sa Kamara na maglalagay na ng fences at signages sa kahabaan ng baywalk para mapigilan ang mga tao na maligo sa Manila Bay.
Paalala ng DENR, hindi nila inirerekomenda ang pagligo sa Manila Bay dahil marumi pa rin ang tubig dito.