Makikita sa Google Doodle ngayong araw ang pagbati para sa pagdiriwang ng Chinese New Year kung saan gamit ang kamay ay gumawa ng hugis ulo ng baboy.
Kasabay nito ay ibinahagi ng Google sa publiko ang Shadow Art AI (artificial intelligence).
Ang Shadow Art ay web browser-based game kung saan maari nang gawin ang shadow puppetry na dati-rati ay nagagawa lang offline, sa kwartong madilim o sa ilalim ng kumot, gamit ang flashlight.
Sa Shadow Art, maaring magamit ang kamay para makabuo ng zodiac animals habang nasa harap ka ng iyong laptop computer o phone camera.
Mayroong 12 segundo ang maglalaro para magawa ang isang zodiac animal.
Ang Shadow Art ay available sa labingisang lenggwahe kailang ang English, Chinese, Thai, Bahasa Indonesia, Malay, Japanese, Korean, Spanish at Portuguese.