Stop and Go traffic ipatutupad sa ilang lansangan sa Maynila para sa Chinese New Year parade

May isasagawang parada ngayong araw bilang bahagi ng pagdiriwang ng Chinese New Year.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ala 1:00 ng hapon, magpapatupad ng stop and go traffic sa ruta ng parada.

Parade Route:

• Jaboneros/Madrid
• left to Sto. Cristo
• right to Lavezares (Millenium Bridge)
• left to Juan Luna
• right to La Chambre
• left to La Chambre Hotel
• left to Sta. Elena
• left to Juan Luna
• straight to Plaza San Lorenzo Ruiz
• left to Ongpin (will pause at Quinton Paredes to await the Mayor)
• left to T. Alonzo
• left to Soler
• left Reina Regente (end of motorcade)

Pagsapit ng alas 3:00 ng hapon, maaapektuhan naman ang sumusunod na mga kalsada:

• National Press Club (Magallanes Drive)
• left to Jones Bridge
• straight to Plaza Ruiz (to join the parade going to Reina Regente)

Ang mga apektadong motorista ay pinapayuhan na gumamit ng alternatibong ruta.

Ang mga sasakyan na galing sa Jose Abad Santos patungong Binondo ay pinakakaliwa sa CM Recto patungong destinasyon.

Kung galing naman sa Jones Bridge at patungong Binondo ay kakanan sa Escolta St. patungong destinasyon.

 

Read more...