Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkaka-ibigan at pagtutulungan sa pagitan ng Pilipinas at China kasabay ng Chinese New Year ngayong Martes February 5.
Sa kanyang mensahe sa bisperas ng Chinese New Year, sinabi ng Pangulo na ang ugnayan ng Pilipinas at China ay hindi lamang nagpa-unlad sa dalawang bansa pero nagpabuti rin sa kakaibang kultura sa gitna ng pagkakaiba ng mga bansa sa buong mundo.
Hinimok ni Duterte ang mga Chinese-Filipino na maglinang ng ugali at pag-iisip na magbibigay-daan sa kapayapaan at pagkaka-unawaan.
Umaasa ang Pangulo na ang Chinese New Year ay magbibigay ng pag-asa, inspirasyon at dagdag tagumpay sa Chinese-Filipino community at sa buong bansa.
Una nang idineklara ng Malakanyang na special non-working holiday ngayong araw.