Labing-isang menor de edad ang inaresto matapos mahulihan ng mga droga sa isang bahay sa Consular Area, Brgy. Southside, Makati City.
Ang mga hinuling kabataan ay nasa pagitan ng edad 14 hanggang 17.
Ayon sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati Police, nakatanggap ng tawag ang Bantay Bayan ng Brgy. Southside na may grupo ng mga estudyante ang nag-iingay sa lugar.
Pagdating sa lugar ay kinatok ang bahay na binuksan naman ng isa sa mga estudyante.
Dito na tumambad ang ilang ebidensya kabilang ang sumusunod: isang sachet ng dried marijuana, isang marijuana tooter, 5 piraso ng sachet na may trace ng hinihinalang shabu, 18 piraso ng aluminum foil strips at 5 piraso ng lighter.
Ang ilan sa kanila suot pa ang kanilang school uniform.
Ang mga menor de edad ay tinurn-over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).