3 arestado sa buy bust sa Makati

Contributed photo

Arestado ang 3 lalaki sa buy bust operation ng pulisya sa Rockefeller St., Brgy. San Isidro, Makati City.

Sa operasyon ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati Police ay nahuli sina Regino Topia, Rogelio Dierro at Marlon De lima, pawang mga residente ng syudad.

Ayon sa pulisya, aabot sa P200,000 ang halaga ng drogang narekober sa mga suspek.

Tinatayang 20 gramo ng droga ang nakuha sa tatlo.

Contributed photo

Nakuha sa 3 ang P500 buy bust money, 14 piraso ng sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, 1 weighing scale, 3 cellphone at mga drug paraphernalia.

Read more...