Seguridad sa Binondo, pina-igting para sa Chinese New Year

Pina-igiting ng pulisya ang seguridad sa Binondo, Manila para sa Chinese New Year ngayong Martes February 5.

Dinagdagan ang police visibility sa Manila’s Chinatown para sa monotoring ng mga tao na makikisaya sa bagong taon ng mga Chinese sa bansa.

Bahagi ng maigting na seguridad ang K-9 units at bomb squad.

Nagbabantay ang mga otoridad sa mga lugar kung saan may mga pagtatanghal, fireworks display at iba pang events.

Ayon kay Manila Police District Station 11 commander Supt. Eric Mendoza, dapat maging mapagmatyag ang lahat.

Kapag may napansin anyang kakaiba o kahina-hinala, agad na ipaalam sa pulisya para maaksyunan.

Bisperas pa lamang ng Chinese New Year ay abala na ang mga tao lalo na ang mga namimili ng tikoy at mga prutas at mga pampaswerteng bagay.

Read more...