Sa Miyerkules ang pagpapatuloy ng bicameral conference committee hearing at maaring maplantsa na ang hindi pagkakasunduan ng mga senador at kongresista hinggil sa pambansang budget.
Sinabi ni Sen Loren Legarda, chairperson ng Committee on Finance, na naging maayos naman ang huling pag-uusap nila ni House Committee on Appropriations chair Rolando Andaya Jr.
Kapag nagkasundo na ang dalawang kapulungan ng Kongreso, sa darating na Biyernes ay mararatipikahan na ang panukala para sa national budget ngayon taon.
Samantala, sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na kapag hindi pa rin nagkasundo ang dalawang kapulungan ay maaring maging reenacted budget na lang ang paganahin ngayon taon.
Aniya, sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo ay maaari pa naman muli itong matalakay.