Bagyong ‘Marilyn’ napanatili ang lakas ngunit hindi pa rin tatama sa lupa

 

Mula sa pagasa.dost.gov.ph

Napanatili ng bagyong ‘Marilyn’ ang lakas nito habang tinatahak ang west northwest direction.

Namataan ang mata ng bagyo sa layong 1,040 km east northeast ng Virac, Catanduanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 175 kilometro bawat oras at bugso na umaabot sa 210 kilometro bawat oras.

Inaasahang tatahakin ng bagyo ang direksyong west northwest sa bilis na 25 kph.

Dahil sa hindi inaasahang tatama sa lupa, walang itinaas na public storm warning signal ang PAGASA sa kasalukuyan.

Read more...