Mata ng mundo, nasa China dahil sa WPS dispute-Pres. Aquino

 

Inquirer.net/AP

Nakatingin sa China ang lahat ng mata ng mundo dahil sa ginagawa nito sa South China Sea.

Ito ang pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III sa isa sa mga closed-door meeting sa Asean summit sa gitna ng patuloy na pagbuo ng mga artificial islands ng China sa mga bahurang nasa pinag-aagawang Spratly group of islands.

Ayon pa kay Pangulong Aquino, umaasa siya na tutuparin ng China ang naunang pahayag nito at irerespeto ang rule of law sa isyu.

Ipinaliwag pa ng Pangulo na ang pagtatayo ng mga artificial islands ng Beijing at pagbalewala sa international law at dumadating na sa puntong mismong ang mga Pilipino na ang hindi makapasok sa loob ng Exclusive economic Zone.

Matatandaang hindi naging bahagi ng ginanap na APEC summit dito sa bansa ang isyu ng pang-aagaw ng teritoryo ng China sa South China Sea.

Gayunman, naging bahagi ito ng ilang bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at ng ilang mga bansa tulad ng Estados Unidos.

Sa Asean Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia, naging bukas ang Pangulong Aquino na iahayag ang posisyon ng Pilipinas sa usapin sigalot sa West Philippines Sea o South China Sea.

Read more...