No. 7 most wanted, arestado sa buy bust operation sa Novaliches

SDEU Intelligence Branch QCPD Station 4 photo

Arestado ang No. 7 most wanted sa buy bust operation ng Quezon City Police District Station 4 sa Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Sr. Insp. Dennis Francisco, hepe ng Novaliches Police Station Drug Enforcement Unit and Intelligence Branch, may tip ang mga kapit-bahay na nakita nila sa lugar si Reynaldo Deloso alyas Naldo na kilalang tulak at gumagamit ng droga.

Minanmanan ng pulisya ang suspek na nagresulta sa pagka-aresto nito.

Sinabi ni Francisco na matagal ng sangkot sa kalakaran ng droga at iba pang krimen si Deloso.

Ilang beses na anya itong nakulong at madalang na nasa lugar para hinid maaresto.

Ayon kay Francisco, kumagat sa kanilang patibong ang suspek nang mag-order sila ng P27,000 na halaga ng shabu.

Narekober kay Deloso ang 25 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000.

Read more...