TNT Boys, pinabilib ang judges sa US talent show

YouTube video screenshot

Pinabilib ng mga batang Pilipinong singing trio ang mga hurado sa talent show sa Amerika na “The World’s Best” dahil sa pagkanta nila ng awitin ni Beyonce na “Listen.”

Sa YouTube video ng “Talent Recap,” magandang performance ang ibinahagi nina Mackie Empuerto, Kiefer Sanchez at Francis Concepcion.

Tumanggap ng standing ovation ang TNT Boys mula sa mga judge na sina Drew Barrymore, Faith Hill at RuPaul gayundin ang international panel na binubuo ng 50 judges na tinatawag na “Wall of the World.”

Maski ang host ng show na si James Corden ay bumilib sa galing ng tatlong batang Pinoy.

Hindi umano magtataka ang mga hurado sakaling tawagan ni Beyonce ang mga bata at sabihan na sumama sa sunod niyang tour.

Read more...