Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tumayong middle man kaugnay sa naipuslit na P6.4 Billion na halaga ng shabu sa bansa noong 2017.
Sinabi ni NBI Anti-Drugs Division Chief Atty. Joel Tovera, na naaresto nila si Yi Shen Dong o Kenneth Dong kaninang tanghali sa Lot 87, Block 12, Phase 2, Katarungan Village, Muntinlupa City.
Kasalukuyang isinasailalim sa interogasyon ang nahuling suspek ayon pa sa NBI.
Naunang lumutang ang pangalan ni Dong makaraan siyang masangkot sa nasabat na shabu shipment ng Bureau of Customs sa Valenzuela City.
Sa pagharap ni Dong sa Senate investigation ay nakasama niya ang isa pang isinangsakot sa kontrobersiya na si Mark Taguba.
Bukod sa illegal drug shipment ay nahaharap rin si Dong sa P11.4 Million na tax evasion case.
Nakatakdang ipresinta sa media si Dong bukas.